Babae, arestado matapos tumae nang 2 beses sa pinasok na bahay

847
Stock photo

Nag-iwan ng maruming bakas ang isang babaeng nanghimasok sa isang bahay sa Perth, Australia, Linggo ng gabi, Marso 22.

Ayon sa ulat ng Perth Now, dalawang beses umanong tumae sa loob ng bahay ang 43-anyos babaeng hindi pinangalanan.


Batay sa may-ari ng bahay, narinig niyang sumara ang refrigerator at nang silipin ang kusina, tumambad ang tumpok ng dumi ng tao sa sahig.

Isa pang tumpok ang nakita niya nang makarating naman sa garahe.

Naabutan at kinompronta pa umano ng may-ari ang suspek. ngunit agad din itong sumibat.

Nahuli naman ng awtoridad ang babae ilang saglit makaraan ang insidente at sinampahan na rin ng karampatang kaso.

Facebook Comments