Babae, arestado sa drug raid operation sa Maynila

Tondo, Manila – Arestado ang isang babae sa isinagawang drug raid operation sa Brgy. 120 Tondo Maynila.

Kinilala ang suspek na si Liza Tipacin live-in partner ng target ng operasyon na si Brayan Villanueva alyas Nognog.

Ayon kay P/Supt Jerry Corpuz ng police community precinct station 1, sinalakay nila ang bahay matapos silang makatanggap ng tip na may nagaganap na pot session sa lugar.


Aniya, sadyang madulas si alyas Nognog na dumaan sa taas ng bahay para makatakas.

Nakuha naman kay Tipacin ang isang MK2 life gun grenade, mga sachet ng shabu at drug paraphernalia.

Facebook Comments