Isinagawa ang operasyon nitong Miyerkules, January 28, na nagresulta sa agarang pagdakip sa suspek matapos mapatunayang sangkot sa ipinagbabawal na transaksyon sa online platform.
Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 12010 o ang Anti-Financial Account Scamming Act kaugnay ng Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon sa pulisya, ang naturang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga cyber-enabled financial crimes, partikular ang mga online scam na gumagamit ng mga verified digital accounts.
Muling pinaalalahanan ang publiko na iwasan ang pagbili o pagbebenta ng mga verified e-wallet accounts at agad na i-report ang kahina-hinalang online na gawain upang maiwasan ang pagiging biktima ng scam. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










