BABAE, ARESTADO SA KASO NG CHILD ABUSE SA SAN CARLOS CITY

Naaresto ng mga tauhan ng San Carlos City Police Station ang isang 38-anyos na babae matapos isilbi ang Warrant of Arrest laban sa kanya dahil sa paglabag sa Section 10(A) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Batay sa ulat ng pulisya, ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Criminal Case No. 2025-0884-D, na may inirekomendang piyansang ₱80,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Carlos City Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon ng kaso.

Ang operasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng kapulisan sa kampanya laban sa karahasan at pang-aabuso sa mga bata upang matiyak ang kanilang kaligtasan at karapatan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments