BABAE, ARESTADO SA PAGPUSLIT NG MGA KONTRABANDONG KAHOY

Ilang tablon ng mga kontrabandong kahoy ang nasamsam mula sa pag-iingat ng isang babae matapos ang isinagawang anti-Illegal logging operation ng mga awtoridad sa Brgy. Poblacion, Luna, Apayao kamakailan.

Kinilala ang suspek na si alyas Irene, walang asawa at residente ng naturang na lugar.

Ayon sa PNP Abulug, ilang tablon ng nilagaring kahoy ng tangile na nasa 500 boardfeet ang namataan ng mga awtoridad tatlong metro ang layo mula sa provincial road sa boundary ng Cagayan at probinsya ng Apayao.

Ang mga kontrabandong kahoy ay tinatayang nagkakahalaga ng nasa dalawampu’t limang libong piso (P25,000).

Samantala, pinaghahanap din ng kapulisan ang drayber na si alyas Emman na nagdeliver umano ng mga kahoy kay alyas Irene.

Nakipag ugnayan na rin ang mga awtoridad sa CENRO Sanchez Mira para sa kaukulang disposisyon.

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Reform Code of the Philippines.

Facebook Comments