Babae Arestado sa Robbery Extortion sa Goa, Lalaki Patay sa Saksak sa Libmanan

Isang babae ang inaresto ng mga elemento ng kapulisan dahil sa kasong Robbery Extortion. Ang suspect ay kinilalang si SUSAN REMO y ANTOLIN, edad 47, may-asawa at residente ng Brgy. Abucayan sa bayan ng Goa, Camarines Sur.
Ayon sa report, naaresto si Susan Remo sa pamamagitan ng isang entrapment operation na isinagawa ng mga operatiba ng GOA PNP kamakalawa bandang alas 4:45 ng hapon sa Brgy. San Jose, Goa. CamSur.
Inaresto si Remo matapos siyang maaktuhan na tumatanggap ng white envelop na naglalaman ng perang 2,500 mula sa biktima na si Aimee Milagros Escobar. Ayon kay Escobar, hinihingian umano siya ng nasabing halaga kapalit ng protection na ibibigay ng suspect.
Samantala, isang insidente ng pananaksak ang naitala sa kahabaan ng provincial road sa Libmanan, Camarines Sur.
Ayon sa report, isang Jonathan Muceros y Soriano, edad 36, binata at residente ng Purok 6, Brgy. Nagbacalan, bayan ng Ramon sa Isabela province, ang natagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Libmanan bandang ala 1:30 ng madaliang araw ng December 18, 2017.
Kaagad namang dinala sa Libmanan District Hospital ang biktima subalit idineklara na itong Dead On Arrival ng attending physician.
Patuloy pa rin sa isinasagawang imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng mga may kagagawan ng nasabing pananaksak.

Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Paul Santos, Tatak RMN.

Facebook Comments