Babae, bugbog-sarado matapos kainin ng pusa ang itinabing ulam ng kapatid

523

Sinaktan ng isang lalaki ang kanyang nakatatandang kapatid na babae mula Brgy. Indangan Buhangin, Davao City matapos umano nitong pabayaan na makain ng pusa ang ulam na itinabi niya, bandang alas 6:45 ng gabi, Nob.24.


Ayon sa inilabas na report ng Buhangin Police Station, pasa at bukol ang inabot ng biktimang si Joy Pingaron, 42, mula sa kanyang 32-anyos na kapatid na kinilalang si John Rey.

Ito ay matapos raw magwala hanggang sa manakit ang lalaki nang wala umano itong makain dahil nalamang kinain ng pusa ang kanyang ulam.

Batay pa sa imbestigasyon, maging ang ina ng biktima ay tinutukan rin niya ng kutsilyo.

Dahil sa nangyari, agad na humingi ng tulong si Joy sa mga awtoridad na agad namang rumisponde.

Pinag-uusapan na ngayon kung magsasampa ng kaso ang dalawa laban kay John Rey.

Facebook Comments