Babae, bumili ng 1,500 sapatos upang ibigay sa mga nangangailangan

via Yahoo

Isang babae sa Arkansas, US ang bumili ng 1,500 na sapatos upang ipamahagi sa mga nangangailangan.

Ayon kay Carrie Jernigan, 37 anyos, pumunta siya sa Payless, isang brand ng sapatos, kasama ng kaniyang tatlong anak.

Habang bumibili sila ng sapatos, nakiusap ang panganay ni Carrie kung maaaring bigyan ng isang Avenger na sapatos ang kaklase dahil maliit na ito sa kaniya.


“I just said, ‘How much for the rest of the shoes in the store?’ I was almost joking,” ani Carrie.

Sinagot naman ng district manager si Carrie na mayroon na lamang 200 hanggang 300 na sapatos sa Payless. Sinabi rin ni Carrie na kailangan niya ng 1,500 na sapatos sa araw na iyon.

Binili ni Carrie, isang lawyer at local school board president, ang mga sapatos sa halagang $21,000 o halos P340,000 upang ibigay sa mga bata at matanda na nangangailangan.

“I always tell my kids, if you ask them what they want to be when they grow up, they say be kind, and so I don’t care what they do in life as long as they are kind and good people,” pahayag ni Carrie.

Nakipagugnayan naman si Carrie sa Kibler Baptist Church kung paano ipapamahagi ang lahat ng nabiling sapatos.

Facebook Comments