Babae, Dinakip dahil sa Pagsusugal

29

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang babae na wanted sa kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling sa bayan ng Cabagan, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Liezel Baui, 31 taong gulang, may asawa at residente ng Cabagan, Isabela.


Siya ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nu hukom Rogelio Anap ng 2nd Judicial Region, 2nd Municipal Circuit Trial Court, Cabagan-Sto Tomas, Cabagan, Isabela dahil sa kasong pagsusugal.

Sa pinakahuling impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan sa imbestigador ng pulisya, nakapagpiyansa rin kahapon, Marso 11, 2021 ang suspek ng halagang Php30,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments