BABAE, HULI MATAPOS MAGBAYAD NG PEKENG PERA SA VILLASIS

Isang babae ang inaresto sa loob ng Villasis Public Market sa Poblacion Zone 1, Villasis, Pangasinan kahapon, matapos tangkaing gumamit ng pekeng ₱500 bill.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, sinubukan ng suspek, 43-anyos, walang trabaho at residente ng Taguig City, na bumili ng produkto mula sa isang beauty products vendor gamit ang pekeng pera.

Napansin ng biktima ang pekeng pera sa tulong ng kanyang counterfeit detector at agad humingi ng tulong sa mga market enforcer.

Dinala ang suspek sa Villasis MPS kung saan siya ay kasalukuyang nasa kustodiya para sa kaukulang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments