Babae, inabutan ng panganganak sa lansangan sa Makati

Makati City – Isang bouncing baby boy ang ipinanganak sa lansangan ng P. Burgos Street Barangay Poblacion, Makati City, kahapon.

Naabutan na lamang ng mga pulis ang isang 22-anyos na babaeng nakilala bilang “Divine” na humihilab ang tiyan habang naglalakad.

Wala nang pagkakataong maitakbo pa sa ospital ang ginang kaya pinahiga na lamang siya sa ilang piraso ng karton sa bangketa at doon na isinilang ang bata.


Nang dumating ang ambulansiya ng rescue team, dinala sa ospital ang mag-ina na ligtas na ang kalagayan.

Facebook Comments