Babae, iniwang patay sa motel sa Quiapo, Maynila

Quiapo, Maynila – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa isang 29-anyos na babae na natagpuang patay sa motel sa Quiapo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) Homicide Division ang biktima na si Joan Echipare.

Ayon sa mga roomboy, may kasamang tatlong lalaki ang biktima kung saan una silang lumabas ng kwarto.


Dito na nila nakitang wala nang buhay ang biktima na may tatlong saksak ng katawan.

Aminado naman ang mga pulis na mahihirapan sila sa pagtukoy sa mga suspek dahil walang CCTV ang nasabing motel.

Facebook Comments