Babae, itinago umano ang bangkay ng lola sa freezer nang 15 taon para sa benepisyo sa US

19546

Arestado ang isang babae sa Pennsylvania, USA matapos umanong isilid sa freezer ang bangkay ng lola habang patuloy na kinokolekta ang benepisyo mula sa gobyerno.

Ayon sa Philadelphia Inquirer, umamin si Cynthia Carolyn Black, 61, na itinago ang mga labi ng matanda, dahil kailangan ng kanilang pamilya ang pera mula sa Social Security checks nito.


Naiulat na noong 2004 pa pumanaw si Glenora Reckord Delahay sa edad na 97.

Nadiskubre ng awtoridad ang bangkay noong Pebrero nakaraang taon kasunod ng sumbong na may nakakita nito sa loob ng isang bahay sa Warrington Township.

Dinakip si Black noong Martes at dinala sa kostudiya ng York County Judicial Center.

Nahaharap siya sa kasong abuse of a corpse at theft by unlawful taking and receiving stolen property.

Facebook Comments