Pangahas na ginantihan ng kagat ng isang babae ang “pribadong bahagi” ng camel na nakaharap niya habang sinusubukan hulihin ang alaga niyang asong napadpad sa bakod nito.
Naganap ang kakaibang pagtutunggali ng hindi pinangalanang babae at ng camel na si Caspar sa isang truck stop petting zoo sa Louisiana, nakaraang Huwebes.
Naghahagis daw ng treats para sa alagang aso ang asawa ng babae malapit sa bakod ni Caspar, dahilan para gumapang sa loob ang aso, ayon sa Iberville Parish Sheriff’s Office.
Sinundan ng mag-asawa ang aso, pero hindi pa nakalalayo ang babae ay inupuan siya ni Casper.
Para makatakas sa pagkakadagan, kinagat ng babae ang itlog ng camel.
Lumabas sa imbestigasyon na kasalanan ng dalawang nanghimasok ang insidente.
Giit ng awtoridad base sa ulat ng The Advocate, walang mali at normal lang ang ginawa ni Caspar.
Hindi rin naharap sa anumang kaso ang mga empleyado ng truck stop dahil sarado ang bakod at may kaukulang mga babala na nakapaskil para sa publiko.
Habang ang mag-asawa naman ay pinatawan ng criminal trespassing at paglabag sa batas na nagbabawal sa hindi pagtatali sa mga alagang aso at pagpapabaya.
Ayon sa San Diego Zoo, maaaring tumimbang hanggang 1,320 pounds o 600 kilos ang mga lalaking camel.
“The camel has never been aggressive, the camel has never gotten out, never caused any issues,” ani deputy.
“In fact, the husband and wife stated before that we’ve been here before and we’ve never had any problems.”