Babae, kritikal matapos mahulog sa bintana ng ikatlong palapag ng apartment

(Unsplash)

Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang kilalang model mula Russia matapos itong mahulog mula sa bintana ng ikatlong palapag ng tinutuluyang apartment ng kanyang nobyo.

Nagtamo ng pinsala sa ulo at dibdib ang biktimang si Ksenia Puntus, 21, na nakitang duguan ng isang janitor sa labas ng gusali bandang alas 4:00 ng madaling araw noong Enero 11, Sabado.

Ayon sa report, galing daw noong sa isang party si Puntus bago mangyari ang insidente sa bahay ng kanyang nobyong si Andrei Bakov, 20.


Agad na naisugod sa ospital ang biktima kung saan sumailim ito sa dalawang operasyon.

“She is conscious but she can hardly tell anything … because of her head injuries,” ani kanyang agent na si Liliya Chepigina.

Samantala, labis naman ang pagtataka ng kaanak ng biktima dahil hindi raw gumagamit ng droga si Puntus.

Sabi ni Alesya Kafelnikova, kaibigan ng biktima, “Ksenia was not taking drugs, which means we and her family know that something wrong happened.”

Kasalukuyan pang inaalam ng mga pulis kung itinulak o sadyang nahulog si Puntus mula sa bintana, gayunman wala pang naiulat na suspek sa insidente.

Facebook Comments