BABAE, KULONG SA VAWC

32
Cauayan City, Isabela- Boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya ang isang wanted person na babae sa Brgy. San Antonio, Burgos, Isabela.

Sa bisa ng warrant of arrest ng akusado na itinago sa alyas “Jen”, 24 taong gulang, may-asawa, at residente ng Brgy. Caliguian, Burgos, kusa na itong nagtungo sa Police Station at isinuko ang sarili.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004 sa ilalim ng Criminal Case No. 10237 na inisyu ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 ng City of Ilagan.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P72,000.00.

Nasa kustodiya na ng Burgos Police Station ang akusado at anumang araw ay ipapasakamay sa korteng pinagmulan.

Facebook Comments