Babae na may Kasong ‘Panloloko’, Arestado

44

Cauayan City, Isabela- Natimbog ang isang babae na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito sa Brgy. Villapaz, Naguillian, Isabela.

Kinilala agng akusado na si Lorna Cardona, 36 taong gulang, walang asawa, residente ng Brgy. San Mateo, Tumauini, Isabela.


Dakong alas otso y medya ngayong umaga, Marso 1, 2021, nagsanib pwersa ang tropa ng PNP Tumauini sa pangunguna ng hepe na si PMaj Rolando Gatan at Naguilian Police Station upang isilbi ang mandamiento de aresto sa akusado para sa kaso nitong 5 beses ng Swindling/Estafa.

Mayroon namang inirekomenda ang korte para sa kanyang piyansa na halagang Php18,000.00 sa bawat kaso nito.

Dinala na sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments