Babae na Nakapatay ng Sariling Asawa at Isa pang Wanted Person, Arestado

Cauayan City, Isabela- Natimbog ng mga alagad ng batas ang dalawang Top 1 most wanted sa municipal level sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa probinsya ng Isabela at Cagayan.

Unang nadakip sa Barangay Calimaturod, Cordon, Isabela ang Top 1 Most wanted sa bayan ng Cordon, Isabela na si Elena De Guzman sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte dahil sa kasong Parricide.

Taong 2019 nang mapatay ni De Guzman ang asawa matapos nitong maagaw ang patalim sa mister na kung saan nag-ugat ang kanilang alitan dahil sa matinding pagseselos ng mister.


Samantala, arestado rin sa Sitio Agnawan, Barangay Mabuno, Gattaran, Cagayan si Richard Laz, ng Barangay Niug Norte ng bayan ng Sto. Niño at Top 1 Most Wanted Person sa nasabing bayan.

Siya ay hinuli ng pinagsanib pwersa ng PNP Sto Niño, 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company, Regional Intelligence, 4th Mobile Force Platoon, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company at koordinasyon sa Gattaran Police Station sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Murder.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya ng himpilan ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments