BABAE NA TULAK NG DROGA, TIMBOG SA CAGAYAN

Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang isang babae na High Value Target ng PDEA at PNP sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sta. Cruz, Ballesteros, Cagayan.

Nakilala ang suspek na si Rossel U. Lagura, 37 taong gulang, walang asawa, residente ng Brgy. Centro East, Ballesteros, Cagayan.

Nagpositibo si Lagura sa ikinasang buy bust ops ng mga otoridad kung saan nabentahan nito ang isang PDEA agent na nagpanggap na bumibili ng isang (1) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops at may bigat na limang (5) gramo.


Agad na dinakip ang suspek kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang limang daang piso na buy bust money.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at siya’y mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments