BABAE, NAAKTUHANG NAGBEBENTA NG HINIHINALANG SHABU SA CALASIAO

Timbog ang isang babae matapos itong masangkot sa pagbebenta ng droga sa bayan ng Calasiao.

Ayon kay Calasiao Police Station PCpt. Godofrey Mercado, nauna nang nagsagawa ang himpilan ng validation at undercover sa ginagawang ilegal na gawain ng suspek.

Nakumpiska mula rito ang 4.92 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P33, 356.

Inihayag ni Mercado na newly-identify sa usaping ilegal na droga ang nasabing babae.

Nasa kustodiya na ito ng awtoridad at haharapin ang kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments