Babae, nabiktima ng pagpapakalat ng malalaswang larawan sa Facebook

Manila, Philippines – Inirereklamo ng isang babae ang isang Facebook group na nagpakalat ng kanyang larawan na walang permiso.

Dumulong sa tanggapan ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group ang biktimang itatago sa pangalang ‘Bernadette’, 22-anyos matapos malamang may lumabas na mga malalaswang larawan niya sa social media.

Ikinabahala rin ng biktima dahil nakakatanggap siya ng mga friend request mula sa mga taong hindi niya kilala at mga bastos na mensahe.


Dito napag-alaman ni ‘Bernadette’ na ikinalat ang kanyang mga litrato sa usap-usapang Facebook group na ‘pastor bible study’.

Nangako naman ang pnp na tutukuyin kung sinu-sino ang nagkakalat ng litrato ng mga biktima.

Dahil, makikipag-ugnayan na ang pnp sa Facebook para matukoy ang mga taong nagpapakalat ng mga litrato ng mga babae at ginagamit sa kalaswaan.

Paalala ng PNP, gawing pribado ang mga social media account at itago ang mga personal na impormasyon at huwag basta-basta mag-a-accept ng mga friend request sa mga taong hindi naman kilala.

Facebook Comments