Babae, nagbigay ng pekeng pangalan, tirahan sa mga doktor matapos magpositibo sa coronavirus

NEWARK, New Jersey – Matapos magpositibo sa coronavirus, isang babae ang bigla na lamang daw naglaho at nagbigay pa ng pekeng pangalan at address sa mga doktor.

Ayon sa awtoridad, ang hindi kinilalang babae ay nagtungo umano sa East Orange Hospital noong Sabado kung saan ito sumailalim sa test at nakumpirmang may COVID-19.

Sabi ng mayor ng Newark, nang malaman na ang resulta ng test, pinuntahan daw ng kanilang health officials ang address ng babae at nadiskubreng hindi ito ang tirahan ng pasyente.


Dahil dito ay agad humingi ng tulong sa lugar ang alkalde at matapos ang dalawang oras ay natunton din ang misteryosong babae.

Malaki naman ang pasasalamat ng mayor sa lahat ng tumulong para mahanap ito.

Samantala, umabot na sa mahigit 200 katao ang nagpositibo sa coronavirus sa New Jersey State ayon sa mga opisyal.

Facebook Comments