Babae, nagpakamatay nang makita ang ilang larawan ng pang-aabuso sa cellphone ng nobyo

Kinitil ng isang 21-anyos na babae ang sariling buhay matapos nitong makita ang ilang imahe ng child abuse sa cellphone ng kanyang nobyo.

Natagpuang nakabigti si Lydia Roberts sa loob ng tinutuluyang apartment sa Radcliffe, Greater Manchester, England bandang alas 3:30 am, July 10,2017 ng kasintahang si Adam Wells.

Ayon sa ulat, nagkaroon raw ng pag-aaway ang dalawa sa telepono tungkol sa mga nasabing litrato habang nasa bahay si Roberts samantalang nasa trabaho naman si Wells.


Nagawa pa raw umuwi ng lalaki sa kanilang tahanan ngunit ilang oras ang makalipas, nagpatuloy raw ang away ng dalawa sa telepono.

Alas-7 ng gabi ng tumigil raw sa pag-aaway ang dalawa nang hindi na magtext si Roberts.

Umuwi si Wells bandang alas tres ng madaling araw galing sa labas kasama ang mga kaibigan kung saan tumambad sa kanya ang wala ng buhay na kasintahan.

Nagawa pa raw nitong tumawag sa emergency services ngunit idineklara na itong patay.

Samantala, sinabi ni Coroner Zak Golombeck sa Manchester hearing, “I have considered the totality of the evidence and I am able to conclude that Lydia Roberts took her own life and intended to do so.”

Naiulat na mayroong history ng suicide attempt si Roberts dahil sa depression at makailang ulit na din daw itong uminom ng antidepressants.

Kaugnay nito, lumabas naman sa Manchester Magistrates Court noong nakaraang taon na sinintensyahan si Adam ng 12 month community order, 150 oras na unpaid work at patong na singil na 85 pounds para sa biktima.

Sa pahayag naman ni Michelle Roberts, ina ng biktima, dalawang taon na raw nagsasama ang dalawa.

“Lydia felt violated, hurt and disgusted at what she found – even more so at the thought of Adam being with her young niece and nephew,” dagdag nito.

Para raw sa kanilang pamilya, kailanman ay hindi nila mapapatawad si Wells sa nangyari.

“In our opinion we are left now with more unanswered questions and hope one day to find out the truth,” sabi nito.

Facebook Comments