Babae, nahiwa sa braso dahil hindi nagbigay ng limos

4901
Courtesy Lyka Joy Ignacio

Sugat at galos ang inabot ng isang babaeng hindi nagbigay ng pera sa pulubing lumapit sa kaniya.

Kuwento ng biktimang si Lyka Joy Ignacio, nilapitan siya ng lalaking namamalimos habang naghihintay sa labas ng isang drugstore.


Nang tumanggi magabot ng salapi, bigla umanong dumikit ang pulubi at sinugatan ang braso niya.

Kumaripas ng takbo ang lalaki matapos ang insidente.

Sa litratong ibinahagi ni Ignacio, makikita ang hiwang tinamo sa nasabing bahagi ng katawan.

Batay sa Facebook post ng babae, naganap ito sa Brgy. Poblacion, lungsod ng Muntinlupa nitong Miyerkules ng hapon.

Mabilis naman umaksyon ang mga kawani ng barangay para hindi na maulit pa ang nangyaring pananakit.

Paalala ng mga opisyal, bawal magbigay ng limos sa mga nanghihingi sa lansangan.

Facebook Comments

From Advertisers