BABAE, NAHULIHAN NG P204K HALAGA NG HINIHINALANG SHABU SA TAYUG, PANGASINAN

Timbog ang isang babae sa bisa ng inihaing search warrant ng awtoridad sa Tayug, Pangasinan.

Nakilala ito na isang 54 anyos, residente sa nasabing bayan at tukoy na regional top priority target sa usaping ilegal na droga.

Nakumpiska mula rito ang 30 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng abot P204, 000.

Nasa kustodiya na ito ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments