Babae, nakaligtas sa tama ng bala dahil sa breast implant

Photos from SAGE Medical Journal

Nakaligtas ang isang babae mula sa malapitang pamamaril sa dibdib nang dahil sa kanyang silicone breast implants, ayon sa mga doktor.

Sa inilabas na case study sa SAGE Medical Journal nakaraang linggo, idinetalye ng mga doktor kung paano nilihis ng implant ang bala palayo sa vital organs ng 30-anyos na pasyente.

Nangyari ang insidente noong 2018 na naglalakad ang babae sa kalsada sa Toronto, Canada nang bigla na lang nakaramdam ng kirot sa kaliwang dibdib na sinundan ng pagdurugo.


Sa panayam ng CNN, sinabi ng surgeon at co-author ng pag-aaral na si Giancarlo McEvenue na hindi sila makapaniwalang mabuti ang pakiramdam ng babae pagdating sa ospital.

“She was talking — the trauma team was in disbelief at how well she was,” ani McEvenue.

Pumasok ang bala sa kaliwang dibdib, ngunit nakita ang pinsala sa kanang tadyang ng pasyente.

“The bullet entered the skin on the left side first, and then ricocheted across her sternum into the right breast and broke her rib on the right side,” paliwanag niya.

Iginiit ng surgeon kung hindi nalihis ng silicone ang bala, maaaring nanganib ang buhay ng pasyente.

“On the left hand side is the heart and lungs — if the bullet would have gone into the chest, she would have had a much more serious, possibly life-threatening injury,” saad ni McEvenue.

Sa kabuuan, nagtamo lamang ang babae ng sugat mula sa tama ng bala, pinsala sa tadyang at nasirang mga implant.

Tinanggal ang mga implant nang ginamot ang sugat ng pasyente at iminungkahing hindi muna ito papalitann hanggat hindi pa tuluyang nareresolba ang mga posibleng impeksyon.

Sinasabing ito ang kauna-unahang tala ng insidenteng nasagip ng silicone implant ang buhay ng isang tao.

Facebook Comments