Babae sa Italy, nakulong sa loob ng bahay kasama ang bangkay ng asawa habang nagka-quarantine

38527
(Picture: Getty Images)

Nakulong sa loob ng kanilang tinutuluyang apartment ang isang babae mula Italy kasama ang bangkay ng kanyang asawang nasawi dahil sa coronavirus.

Ayon sa report, nagsisigaw umano ng tulong ang babae sa kanilang tinitirhan sa Borghetto Santo Spirito sa northern province ng Savona.


Namatay kasi ang kanyang asawa nito lamang Lunes dahil hindi nito nagawang makaligtas sa kumakalat na virus ngayon.

Sa salaysay ng alkalde ng lugar, hindi raw nila maaaring ialis ang babae hanggang hindi dumadarating ang Miyerkules ng umaga.

Dagdag nito, kasama raw sa protocol na hindi maaaring galawin ng sinuman ang bangkay na nasa apartment.

Nabanggit din ng mayor na nagdalawang-isip pa raw kasi ang lalaki na magpa-ospital sa kabila ng kondisyon.



Sa report ng IVG.IT local station, desperada ang buong kaanak ng naturang babae na tulungan ito.


Ang mahalaga daw ngayon ay ang marekober siya dahil mahirap ang kanyang kalagayan na kasa-kasama sa iisang bahay ang bangkay na niyang asawa.

Facebook Comments