Nagtamo ng limang sugat sa likuran ang dalawang katao matapos pagsasaksakin ng isang 26 anyos na babae sa Lingayen, Pangasinan.
Kinilala ang mga biktima na pawang tricycle driver at residente sa bayan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagpunta sa barangay hall ang dalawang panig upang pag-usapan ang nauna nang hindi pagkakaunawaan ng mga ito.
Palabas na sana ng barangay hall ang mga biktima matapos makipag-ayos nang biglang magkasagutan muli dahilan nang pananaksak ng suspek gamit ang icepick sa dalawa. Patuloy na nagpapagaling ang mga biktima mula sa natanong sugat mula sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments