Sugatan ang isang babae matapos sumabog ang LPG sa kanyang tinitirhang apartment sa Makati.
Nagtamo ng maraming paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima dahil sa nangyaring pagsabog.
Ayon sa biktima, nasa sala ito nang may narinig siyang sumisingaw sa kanilang kusina kung saan nakalagay ang tangke.
Bigla na lang daw itong nagliyab nang subukan niyang patayin ang burner.
Wala namang ibang naiulat na nasaktan bukod sa biktima na nagtamo ng first-degree burns.
Facebook Comments