KENT, England – Nagtamo ng third-degree burn sa bandang ulo na naging dahilan din ng pagkalagas ng kanyang buhok ang isang 25-anyos na babae matapos aksidenteng madikit sa apoy ng kandilang kanyang hinihipan.
Ayon sa ulat, natabig umano ni Emily Fairbrass ang kandila kaya agad na umapoy ang kanyang mahabang buhok at kumalat sa itaas na parte ng kanyang katawan.
Nang magawang patayin ni Frairbrass ang apoy, agad siyang nagtungo sa kapitbahay para humingi umano ng tulong.
“I can honestly say my neighbors Janice and John saved my life. I have sent them flowers and chocolates, but words cannot say how much I owe to them,” aniya.
Naramdaman niya pa ang pagdating ng ambulansya at mga bumbero sa tulong ng mga kaibigan.
“It all happened so quickly. I never knew something like blowing out a small candle in my dining room could result in this,” saad niya.
Kwento ni Frairbrass, nang mangyari ang insidente, wala na siyang ibang nagawa kundi ang sumigaw dahil nasusunog umano ang kanyang buhok na sinasabi nyang pinakagusto niya sa sarili.
Agad namang naisugod sa ospital ang biktima bago siya tuluyang mailipat sa isang burn unit facility.
Samantala, mensahe niya para sa mga taong mayroong kandila sa bahay, maging maingat kung saan nila ito ilalagay.
“If you are going to have candles then be very cautious where you put them and just be cautious,” giit niya.
Patuloy naman sa pagpapagaling si Frairbrass dahil sa matinding lapnos na sinapit.