
Isa nang bangkay ng matagpuan kaninang umaga ang isang babae sa septic hole ng ginagawang bahay sa Barangay Tinaan Sta. Maria Ilocos Sur.
Batay sa report ng Sta. Maria Municipal Police Station, nakilala ang biktima na si alyas Grace, 18 yrs old na residente ng Brgy. Tinaan sa nasabing bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nakipag inuman pa kagabi ang biktima kasama ang iba pang kakilala sa mismong ginagawang bahay, pero kaninang umaga, natagpuan na lang ito na wala nang buhay.
Sa ngayon patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Sta. Maria Municipal police Station at mga kawani ng SOCO kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









