BABAE, NATUKLAW NG COBRA HABANG NAKAPILA SA UMANO’Y LAST MINUTE AYUDA SA MANGATAREM

Natuklaw ng cobra ang isang babae habang pumipila sa umano’y last minute na paayuda sa mga botante sa bukiring bahagi ng Brgy. Muelang, Mangatarem kahapon.
Base sa mga video online, kita ang dagsa ng mga residente sa isang bahay sa bukid nang mangyari ang insidente.
Agad narespondehan ng ambulansya ang biktima ngunit nahirapang maghanap ng ospital na may suplay ng anti-venom vaccine.
Dahil sa insidente, nanawagan ang lokal na pamahalaan na huwag nang pahirapan at ibigay na lamang nang maayos sa mga residente partikular ang mga senior citizen kung hangaring makatulong sa pamimigay ayuda.
Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa pagamutan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments