Babae, patay matapos atakihin ng pating habang naliligo sa beach

1138

MAINE, US – Patay ang isang babae matapos atakihin ng pating habang nasa baybayin ng Maine noong Lunes.

Sa report ng Maine Marine Patrol, isang saksi ang nakakita sa babae habang umaahon sa pampang ng Bailey Island na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.


Hinihilang nagmula ito sa kagat ng umatakeng pating.

Dalawang kayakers ang tumulong sa kawawang babae na makarating sa pampang at nagpadala na rin ng ambulansya para maisugod ito sa ospital.

Sa kasamaang palad, idineklarang dead on-the-spot ang biktima na hindi inilabas ang pagkakakilanlan.

Ayon sa pag-aaral, maaari raw na inakala ng pating na pagkain ang biktima.




Paalala naman ng Marine Patrol sa swimmers at mga namamangka na maging maingat at iwasang lumangoy sa mga bahaging may malalaking isda.

Facebook Comments