Babae, patay matapos lapain ng alagang aso habang nasa gitna ng paglalakad

(CBC news)

CANADA, North America – Nasawi ang isang babae matapos atakihin ng kanyang alagang aso habang nasa gitna ng paglalakad– habang ang isa niyang mas mapanganib na alaga ay iniwan niya sa kanilang bahay.

Sa report ng CBC, natagpuang wala ng buhay noong Martes ang hindi kinilalang biktima nang may isa umanong nagja-jogging sa lugar.

Sa salaysay ng saksi, natakot daw siyang lapitan ang naturang hayop dahil baka umano atakihin din siya.


Matapos ang insidente, nagpaalala ang Canadian Police na manatili sa bahay ang mga residente dahil delikado ang nasabing pitbull.

Samantala, kinalaunan ay kanilang ibinunyag na nasawi ang aso nang masagasaan ng dumaang sasakyan makalipas ang isang oras nang mangyari ang insidente.

Kinumpirma naman ng pulisya na inatake ng aso ang biktima habang nasa kalagitnaan sila ng paglalakad.

Facebook Comments