Babae, patay matapos mabagsakan ng puno ang bahay sa QC

Nasawi ang isang babae matapos mabagsakan ng malaking puno ang kanyang bahay sa kasagsagan ng ulan sa Barangay UP Campus sa Quezon City, Biyernes.

Ayon sa Anonas Police Station, natutulog ang biktimang kinilalang si Omayra Sumala, 38, nang bumagsak ang puno sakto sa kanilang bahay, alas-4:30 ng madaling araw.

Naisugod pa ng awtoridad ang biktima sa East Avenue Medical Center, ngunit idineklara rin itong dead on arrival.


Ligtas naman ang dalawa niyang anak sa aksidente.

Facebook Comments