Babae, patay matapos mabundol ng trak ang sinasakyang motorsiklo sa Pampanga

Pampanga – Patay ang isang babaeng sakay ng motorsiklo nang mabundol ng trak sa Pampanga.

Sa imbestigasyon, parehong papunta ng San Fernando ang trak at motorsiklo na sinasakyan ni Allana Quito at isa pang kasama.

Pero pagdating sa madilim at masikip na bahagi ng daan, tinamaan ng trak ang motorsiklo kung saan tumilapon sa kalsada si Quito at nabagok ang kanyang ulo.


Mabilis namang tumakas ang trak kaya’t naghahanap ng CCTV ang pulisya malapit sa lugar para sa matukoy ang plate number ng nasabing sasakyan.

Facebook Comments