Babae, patay matapos mahulog sa bangin sa Turkey habang nagpapakuha ng litrato

(Olesia Suspitsana Instagram)

Nauwi sa trahedya ang pag-aakyat bundok ng isang babae mula Kazakhstan nang mahulog ito habang nagpapakuha ng litrato para umano ipagdiwang ang pagtatapos ng lockdown sa Turkey.

Sa inireport ng news agency na Sputnik Turkey, matagal na inabangan ng hiker at tourist guide na si Olesia Suspitsina, 31, ang maakyat ang Anatyla’s picturesque Duden Park matapos magpatupad ng ilang linggong quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa kagustuhan umano ni Suspitsina na markahan ang katapusan ng quarantine, inihanda raw niya ang sarili sa pagpuwesto sa gilid ng talampas para magpakuha ng larawan na may background pang magandang talon.


Mula sa ulat ng News 1 report, nadulas umano ang biktima sa damuhan at nahulog sa banging may taas na 115 feet.

Agad umanong tumawag sa awtoridad ang photographer at kalauna’y narekober ang katawan ni Suspitsina  sa ilalim ng tubig.

Idinala ang bangkay nito sa Antalya Forensic Medicine Institure morgue para suriin.

Samantala, idineklara naman ng mga pulis na aksidente ang pagkamatay ng biktima ayon umano sa mga kaanak nito.

Facebook Comments