Babae, patay matapos pagbabarilin sa Baclaran

 

Patay ang isang babae matapos pagbabarilin kaninang umaga sa Brgy. Baclaran, Parañaque City.

 

Sa inisyal na impormasyon, kinilala ang biktima na si Alyas “GIGI” Despi, nakasuot ng kulay asul na stripe na t-shirt, maong skirt at puting sapatos na nakitang nakahandusay, duguan at wala ng buhay sa nabanggit na lugar.

 

Ayon sa mga saksi, agad tumakas ang suspek na si alyas Arnel Pareño matapos ang insidente.


 

Agad namang nagkasa ng follow-up operation ang mga otoridad at dito natagpuan sa crime scene ang 2 Cal-45 empty shell at 1 Cal-45 slug.

 

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo sa krimen at patuloy ding tinutugis si alyas Arnel Pareño.

Facebook Comments