Babae, patay matapos pagbabarilin sa Novaliches Quezon City

Quezon City – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin sa Susano Road, Brgy. Nova Proper, Quezon City.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Maricar dela Cruz 30-anyos matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ina ng biktimang si Cristina Valencia, alas-singko ng hapon kahapon nang huli niyang makitang buhay ang anak matapos magpaalam na bibili ng hapunan.


Pasado alas-9 ng gabi ng mabalitaan niya na patay na ang anak matapos pagbabarilin ng dalawang naka-helmet na lalaki na nakasakay ng motorsiklo.

Ayon sa ina ng biktima, dating gumagamit ng iligal na droga ang anak pero ito’y matagal ng tumigil.

Blangko ang ina ng biktima sa posibleng motibo ng pamamaril. Iniimbestigahan na ng QCPD CIDU ang nasabing krimen.

Facebook Comments