Babae – patay matapos pagbabarilin sa Port Area, Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang babae matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Lolita dela Cruz, 34-anyos at residente ng Tondo, Maynila.

Ayon sa MPD-Homicide Division, may saksing nakarinig na nagsisigawan ang biktima at isang lalaki sa nasabing lugar nang bigla na laman g may pumutok na baril.


Paglabas niya ay nadatnan na niyang patay ang biktima na may tama ng bala sa kaliwang mata na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Sa ngayon ay pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek.

Facebook Comments