
CAUAYAN CITY – Patay ang isang babae matapos nitong sunugin ang sarili sa Brgy. Villa Gamiao, San Mateo, Isabela.
Ayon sa ulat, ang biktima ay isang 54-anyos, residente ng Brgy. San Ignacio, San Mateo, Isabela.
Nakita umano ng mga awtoridad ang biktima na nakahandusay sa house rest nito na nasa gitna ng palayan.
Sa masusing imbestigasyong isinagawa ng mga awtoridad, napag-alaman na ang biktima ay dumadanas ng anxiety at sleeping problems.
Lumalabas din sa imbestigasyon na kumuha ng gasolina ang biktima at binuhos sa buong katawan bago nito silaban ang sarili dahilan ng kanyag agarang pagkamatay.
Facebook Comments









