Babae, Patay matapos Tamaan ng Kidlat

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang ginang matapos tamaan ng kidlat sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan bandnag 9:30 ng gabi sa Sitio Tanap, Brgy. Awallan, Baggao, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ronalyn Corpus, 40-anyos, may-asawa at residente ng Zone 7, Brgy. Tallang sa nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Baggao Police Station, pauwi na ang biktima kasama ang iba pa sa kani-kanilang tahanan matapos ang kanilang pagtatanim ng mais partikular sa maisan ng nagngangalang Rodel Ballad.


Agad na bumuhos ang malakas na ulan kasabay ang pagkidlat na aksidenteng tinamaan ang ang biktima na dahilan ng kanyang pagkamatay.

Lumabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya na posibleng dahil sa nakasuot na bagpack na naglalaman ng nakabukas na cellphone ang dahilan ng pagtama ng kidlat sa biktima.

Facebook Comments