Babae, patay matapos tumama ang mukha nito sa matutulis na bakal sa bakod sa Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila

434

Manila, Philippines – Patay ang isang babae matapos tumama ang mukha nito sa matutulis na bakal sa bakod ng Plaza San Lorenzo Ruiz sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Emelita Vergara, 51-anyos.

Kwento ng mga saksi, sakay ng e-bike ang biktima nang bigla itong atakihin ng epilepsy saka sumalpok sa bakod.


Bumaon pa ang bakal sa kaliwang mata ni Vergara at tumagos hanggang ulo.

Isinugod pa ng mga tauhan ng Philippine Red Cross sa ospital ang biktikma pero idineklara rin tiong dead-on-arrival.

Facebook Comments