Babae pinaslang matapos maningil ng P500 utang

Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 44-anyos na babae sa Valenzuela City matapos mauwi sa matinding pagtatalo ang paniningil niya ng P500 utang sa kaniyang kapitbahay.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Rosalie Sagal na napaulat na nawawala mula pa noong Hulyo 20.

Natagpuan ang bangkay ni Sagal sa isang palaisdaan sa Barangay Pasulo na nakabalot sa kumot at tadtad ng saksak.


Agad naman naaresto awtoridad ang suspek na si Godofredo Perdigon Jr. sa isang drug rehabilitation center sa Pampanga.

Positibong itinuro ng mga saksi na si Perdigon ang huling kasama ni Sagal bago ito mapatay.

Ayon sa salarin, sinugod umano siya ng ginang sa tinitirahan at nang magkasagutan bigla raw itong nanampal ng malakas.



Doon nagdilim ang paningin ni Perdigon at isinagawa niya ang karumal-dumal na krimen.

Hindi na raw alam ni Perdigon kung ilang beses niya sinaksak si Sagal.

Humingi ng paumanhin ang suspek sa pamilya ng biktima at sinabing pinagsisihan nito ang pagpatay sa ilaw ng tahanan.

Kinasuhan ng murder si Perdigon at kasalukuyang nakapiit sa Valenzuela City Police Station.

Facebook Comments