DUBAI – Humaharap sa reklamong murder ang isang tatay mula Jordan matapos niyang patayin ang 30-anyos niyang anak na nagawa pang uminom ng tsaa at manigarilyo sa tabi ng bangkay nito.
Sa report ng Gulf News, ilang taon nang dumaranas ng physical abuse ang babaeng kinilalang si Ahlam mula sa mismong kamay ng kanyang sariling ama at mga kapatid na lalaki.
Naging sigaw ang hustisya para kay Ahlam matapos mag-viral noong nakaraang Biyernes ang isang video kung saan maririnig ang pagsigaw niya ng tulong.
Ayon sa mga nakasaksi, Biyernes ng gabi nang paluin ng suspek sa ulo ang biktima gamit ang cement block.
Bandang alas 9 ng gabi nang magtatatakbo umano sa kalye ang duguang biktima na tila tinatakasan ang kanyang pamilya.
Nakikiusap pa raw ito sa kanyang ina na umawat ngunit nanatili raw itong tikom.
Hinabol at pinukpok ng malaking bato ang biktima nang mahuli ng kanyang ama saka pinatay sa harap ng mga kapitbahay.
Matapos ang krimen ay nagawa pa raw uminom ng tsaa at magyosi ang suspek sa tabi ng bangkay nito.
Ayon naman sa pahayag ng pulisya, isang report ang nakarating sa kanila dalawang araw bago ang insidente.
Isang babae raw edad 30 ang nasa kapahamakan dahil sa pang-aabuso ng kanyang sariling ama.
Pahayag ni Dr. Salma Nims, Secretary-General of the Jordanian National Commission for Women, “The entire system in Jordan is flawed. What we need is to work on improving the whole system from legislation to social attitude. The role of the government is to provide women with protection and the ability to move on.”
Dagdag niya, “Women can stay in safe houses for three months, then they are told to find a place to stay, which is when some are forced to go back to the violence. It is the government’s job to empower these women and help them become independent.”
Hustisya naman ang sigaw ng lahat para kay Ahlam.