Babae, pinutol ang ari ng lalaking nagtangkang gahasain siya sa sariling bahay

1092

Tinagpas ng isang 25-anyos babae ang ari ng lalaking nagbalak gahasain siya sa sarili niyang bahay sa Punjab, Pakistan.

Mag-isa sa bahay ang hindi pinangalanang biktima nang maghimasok ang 28-anyos suspek na hindi rin kinilala ng pulisya sa ulat, ayon sa Daily Mail noong Pebrero 4.


Nang umatake ang lalaki, agad pumunta sa kusina ang biktima para kumuha ng kutsilyo na ginamit niya pamputol ng ari ng suspek.

Dinala sa ospital sa kalapit na bayan ang lalaki para sa tinamong pinsala at doon na rin siya tinanong ng pulisya hinggil sa insidente.

Ayon sa assistant superintendent ng police Jaranwala Bilal Sulehri, magkakilala ang lalaki at babae bago nangyari ang tagkang panghahalay.

Nakatakda umanong ipakasal sa ibang babae ang lalaki.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil dito.




Facebook Comments