Manila, Philippines – Binalaan ni Catt Gallinger mula sa Canada ang mga nagbabalak na magpatattoo sa mata o mas kilala bilang eyeball tattoo.
Sabi ni Catt, dapat na pag-isipan munang mabuti ng mga gustong magpa-tattoo ang gagawin nilang hakbang.
Nagsisisi na kasi ngayon si Catt kung bakit pa siya nagpatattoo sa mata.
Aniya, dahil sa palpak na tattoo procedure ay lumabo ang kanyang paningin at kusa ring lumuluha ang kanyang mata ng kulay violet kahit na hindi naman siya umiiyak.
Kuwento pa ni Catt, nagdesisyon siyang magpa-eyeball tattoo para makasunod sa uso at hindi mahuli sa kanyang mga kaibigan.
Pero pinagsisisihan na niya ngayon ang maling desisyon niya.
Kaya naman sabi ni Catt, hindi lahat ng uso ay makabubuti para sa lahat.
Facebook Comments