Babae sa Florida, hinuli matapos atakihin ang nobyo gamit ang ‘hamburger’

(Unsplash)

Isang babae mula Florida, USA ang inaresto matapos umanong atakihin ang nobyo gamit ang isang hamburger noong Lunes ng gabi.

Ayon sa report ng Pinellas County arrest affidavit, itinanggi raw ni Tanya Cordero, 47, ang paratang na hinampas niya ng hamburger ang kanyang 39-anyos na nobyo.

Ngunit naabutan daw ng mga pulis na mayroong bakas ng burger sa tenga ng biktima.


Sabi sa ulat, nagsimula raw ang alitan ng magkasintahan mula sa isang bintana sa bahay na kanilang tinutuluyan.

Pinagtatalunan daw ng dalawa kung isasara ba o hindi ang naturang bintana.

Naireport na mayroon ng apat na anak ang dalawa na ngayon nasa ilalim pa ng pangangalaga ng kanilang lola dahil nakulong umano si Tanya ng tatlong buwan.

Naiulat din na hiniling pa nito na sana raw at nabulunan ang nobyo sa burger na inihagis niya sa mukha nito.

Facebook Comments