Babae sa Japan, nagpositibo sa coronavirus matapos makipagtalik sa lalaking ‘gusto umano itong ipakalat’

Nagpositibo ang isang babae mula Japan sa coronavirus matapos itong makipagtalik sa lalaking nakita niya sa isang bar.

Ayon sa report ng Kyodo News, hindi sumunod ang naturang lalaki na nasa edad 50 pataas na mag-self-quarantine matapos itong magpositibo sa coronavirus noong March 4.

Imbes na sumailalim sa self-quarantine ay nagtungo ang lalaki ilang oras makalipas sa Aichi Prefecture kung saan nagkaroon ito ng physical contact sa nasabing babae.


Matapos nito ay nilagnat ang babae makaraan ang ilang araw at nagkaroon ng sore throat kaya agad itong humingi ng tulong sa mga opisyal.

Ayon sa Tokyo officials, hindi naman malala ang kondisyon ng babae ngunit kinakailangan pa rin umano itong magpaospital.

Kaugnay nito, matapos ang insidente, naiulat na nagpunta sa dalawang iba pang bar ang lalaki at sinabi sa isang empleyado dito na mayroon siyang virus.

Agad itong isinumbong sa pulis at idinala sa health care center at dito na nila inalam kung sino ang babaeng nakatalik niya.

Hindi naman naglabas ng anumang pahayag ang mga opisyal sa kung bakit nais ng lalaking makahawa ng iba.

Noong Biyernes ay mayroon ng kabuuang 111 kaso ng coronavirus sa Aichi, pangalawa sa may pinakamataas na bilang ng prefecture sa Japan ayon sa report ng Kyodo News.

Facebook Comments