Babae sa Negros, nagpakasal kahit na may stage 4 cancer

168
Image via Mica Yago

Naantig ang puso ng mga netizen sa magkasintahang nagpakasal kahit na ang isang nobyo ay mayroong stage 4 gastric cancer.

Saksi ang mga kamag-anak at kaibigan ng dalawa sa pag-iibigan ng dalawa nang ikasal sila na hindi alintana ang matinding sakit ni Rea. Nagpakasal sila nitong Hulyo 14 sa Toboso, Negros Occidental.


Hiniling ni Rea na ikasal kay Gabriel sa kabila ng malalang karamdaman nito.

Binati naman ng mga netizen ang dalawa sa pagmamahalan ng dalawa at nagbahagi rin ng parehong karanasan.

Ayon kay Angelie Uy, nasa stage 4 cancer din ang asawa niya at pinakasalan niya pa rin.

“Nakaka-touch by the way, saludo ako sa lalaki hindi niya hinayaang isang tabi ang kasintahan nya bagkus pinatunayan nya na kahit anung mangyari handa siyang ibigay ang buong pagmamahal niya. May the Lord give miracle to survive and protect, guide, blessed with them. Congrats,” komento naman ni Rickymary.

Facebook Comments

From Advertisers